CPAR Experience
Avisala future CPAs! Undecided parin? haha well, let me share to you my CPAR experience :)
CPA Review School of the Philippines (CPAR)
“Hala! Ano kaya ang feeling kapag nasa review school ka na
no?” Nakakakaba na nakakaexcite. Nakakakaba dahil nalalapit na ang board exam
at konting hirap nalang para sa CPA title na gustong gusto mo. Nakakaexcite at
the same time dahil sa mameet mo na in person ang mga author ng libro na gamit
mo, makahanap ka ng new friends at
syempre may hidden agenda ka parin kahit di mo aminin! Hahanap kang
forever slash inspirasyon pang sideline lang. Yung tipong iniisip mo palang na makakasabayan mo
yung mga magagaling na students galing sa mga big schools mejo kinakabahan
Karin diba. But believe me, wala sa school yan kaya wag kang matakot. Kung
masipag at matiyaga ka, hindi ka mapag iiwanan, promise!
Bago ako mag review sa CPAR, nag search ako ng mga blogs sa
net about CPAR. Sabi nila mabilis daw ang turo sa CPAR, madami daw ang
handouts. Hindi naman pala. Hindi mabilis ang turo unless first view mo palang
talaga yung topic na ididiscuss. Para ka lang talagang nagrerefresh sa mga
naaral mo noon. Handouts? Hindi over na madami. Madami talaga kapag hindi mo
binasa at sinagutan on time kasi matatambakan ka na.
Hindi naman ako nagsisi na sa CPAR ako nag review dahil
super enjoy sa CPAR hehe ang dami rin kasing magandang view sa batch 82 hehehe.
Pero swear, enjoy talaga. Mababait ang mga reviewers lalo na si Atty. Valix.
Facilities? Keri naman, sobrang lamig sa room. Yung tipong
gugustuhin mong yumakap sa crush mo sa sobrang lamig lalo na kapag wala kang
jacket as in! Yung restroom na blockbuster sa haba ng pila, yung tipong gusto
mo ng makipila sa boys dahil grabe talaga haha ang haba ng pila sa girls as
always.
CPAR Reviewers
My real sched is weekdays, morning but then I shifted to
weekends. Nahirapan ako sa weekdays na morning sesh haha Idk, hindi ako
makagawa ng magandang study sched kaya nagrisk akong itry ang weekends.
Narealize kong pang weekends pala ang utak at katawan ko haha, mas bet ko ang
mag aral ng diretso ng 5 days (mon-fri) maghapon. Mas namaximize ko yung time
para mag aral, tapusin lahat ng dapat tapusin tapos makikinig lang ako maghapon
sa weekend class ko. Absorb absorb lang ganern.
LAW
My reviewer in Law? Syempre the one and only, Atty. Dante
dela Cruz. Yan ang tunay na LODI! Mahina ako sa law pero sobrang pasasalamat ko
talaga kay Atty. Dante. Sobrang kwela ng law class nya. Minsan nga tawa lang
ako ng tawa. Masaya ka na, natuto ka pa. yung tipong malingon ka lang ng konti
puno na ung board sa bilis nya mag discuss. Sobrang idol ko rin talaga si Atty.
D lalo na ng ishare niya ang lifestory nya, naiyak pa nga ako non sobrang
nakakahanga talaga ang kasipagan at determinasyon ni Atty. Dante! Kung mahina
ka sa law, making ka lang ng mabuti kay Atty,D at the same time, basa basa rin
pag may time. Makukuha naman yan sa tiyaga, wag ka lang aantukin haha.
FAR
Sir Thomas Siy is my reviewer. Idk pero never akong nabored
or inantok sa mga discussion nya. Maybe because of his voice? Haha ang gwapo ng
boses nya, para kang nakikinig sa radio, pang-DJ ba. Type ko yung way ng
discussion nya. Simple pero may dating, basta making ka lang, para mo lang
narereview yung mga alam mo na, at the same time, yung mga di mo alam mapapa
“ayy ganon nga pala yon” ka nalang. Nag try akong makiklase kay Baby Valix, but
I really prefer Sir Thom’s style of teaching. Anyways! Depende rin naman sa tao
kung saan sya komportable makinig. Na aamaze lang talaga ako at kabisado nila
ang handout, problems at solutions, lodi! Seriously, mahina ako sa FAR nung
undergrad, after ng mga sesh with Sir Thomas Siy, nagtataka nalang ako kung
bakit hindi ko yon alam dati haha. Nakaka-amaze lang, parang magic. Napansin ko
lang na marami ang umaalis kapag FAR na. pero suggestion ko lang talaga is
huwag kang aalis. Kahit na alam mo na, makinig parin. First of all, sayang ang
bayad mo haha. Second, ayaw mo nun? Mas mareretain yon sa utak mo J
AFAR
Dalawa ang reviewer ko sa AFAR hehe mabisyo ako e. sabi kasi
nila ang hirap “daw” sa AFAR sa actual pero believe me, sobrang layo sa
preboard ng CPAR! Basic questions lang basta ewan ko rin ba kung sinwerte lang
kami or what hehehe. Sir Brian Lim ang reviewer ko sa weekend sesh then Sir
Chris German for my weekdays sesh. Sa AFAR lang talaga ako pumapasok pag
weekdays. Sir Lim’s style is more on techniques. Mga shortcut ba, topnotcher
kasi e kaya ang taba rin ng utak nya umisip ng mga techniques which is very
helpful naman nung nagtake ako ng board exam lalo na sa Advacc part 1. Pero
syempre Kailangan mo ang concepts, kaya I prefer sir German pagdating sa
concepts. Tho ang tagal nya magdiscuss sa isang problem, pero naituro naman na
nya ang lahat ng dapat nyang ituro. Yung forex na inaayawan ko, ganon lang pala
kapag nakinig kang mabuti kay Sir German haha. Galing din ng oppa nyo sa
concepts tapos minsan may mga hugot pa siya. Siya yung tipong kung naliligawan
lang ang problem baka ginawa na nga nya hehe joke lang sir. For me, sapat na
ang combination ng concepts ni Sir German and techniques ni Sir Lim.
MAS
Sir Jamil Saripada is my reviewer in Management Advisory
Services. Sa lahat ng naging reviewers ko sya ang second favorite ko (malalaman
nyo ang first favorite ko later hehehe). Siyempre magaling din si Sir Rodel
Roque pero nag stick na ako sa class ni Sir Jamil hehe. At first mejo nag doubt
pa ako kasi nga hindi ako familiar sa kanya pero tinry ko syempre para malaman
ko and hindi naman mali ang naging desisyon ko haha. Galing! Siya yung tipong
hindi napapagod kakasalita. Titigil lang ata sya kapag break hehe pero
nakakaamaze ang galing nya magdiscuss plus ang ganda ng sulat niya parang
niruler lang. bet na bet din yung mga techniques niya sa pagsolve at pagtanda
sa mga theory part ng topic. Kwela pa ang mga definitions niya hahaha.
AUDITING
Of course,the one and
only Sir Jerry Roque. Ewan ko ba parang tawa lang yata ako ng tawa pag klase na
nya. Ayoko talaga ng audtheo weh kaya pinipilit ko nalang makinig at iabsorb
ang mga tinuturo ni Sir Roque, sobrang antok talaga ako sa audtheo na ewan ko
ba hahaha pero magaling si Sir Roque magturo, sabay ka lang sa discussion nya
ng mga problems sa Audprob. Sagot ka muna sa handout sa bahay/dorm then sumabay
ka sa discussion nya. Try and try lang bes kahit mali minsan haha.
TAX
Presenting, the one and only, my favorite reviewer in CPAR, Atty.
Tristan Lopez. Sobrang kwela every meeting. Hindi matatapos ang klase mo sa
kanya ng hindi ka tatawa. Super as in! kaya pag tax na, sobrang excited akong
magklase. Masaya ka na, natuto ka pa. Super funny ni Atty. Lopez grabe haha
halata naman diba? Atty. De vera is my first choice but then, si Atty. Lopez
ang nasa weekend class ko so nagtry ako makinig at thank you talaga kay Lord at
hindi naman niya ako binigo haha. Naging favorite subj ko ang tax dahil kay
Atty. Lopez. Ang laki ng impluwensya sa akin ng taong ito. Maging sa firm sa
gusto ko ang laking factor nya. Too sad hindi ako doon dinala ni Lord hehe,pero
okay lang din, baka mas may better plan ang Lord weh. Simula umpisa ng
discussion hanggang sa Matapos, tatawa ka lang haha joke. Concepts and computations
ang style ni Atty. Lopez plus may jokes pa na sobrang havey!!! Para kang nasa
comedy bar slash review center pagdating sa klase nya. Sa room namin, minsan
mejo madaming vacant seats haha ewan ko baka di nila type? Pero for me talagang
okay naman ang klase niya. Dami ko rin natutunan sa kanya about tax. Sobrang na
inspire pa ako nung kinwento niya ang lifestory niya, hindi ko akalain na
malapit pala siya kay Lord hahaha pero swear, nakakainspire. Sobrang lalakas
ang loob mo para sa board.
Masaya sa CPAR, super magiging masaya ang CPA journey mo.
Maganda ang environment, mababait ang mga reviewers at maraming good looking
peeps hahaha charot! So kung nagdedecide ka if saang review center ka
magreview, it’s up to you! Choice mo naman yan e. Bawat review schools syempre
may mga kanya kanyang strength. Basta nasa’yo yan kung paano ka papasa,
iguguide lang tayo ng mga review centers na napili natin. Wala sa special
handouts or anything ang pagpasa sa board. Basta, magtiwala ka sa review center
mo at syempre sa alam mo! Huwag kang papasindak kung hindi ka man nabahagian ng
kung anong special handout or kung anong handout pa yan, remember, mas
fulfilling at masaya sa pakiramdam kapag nakapasa ka sa board ng sa sariling
alam mo lang! tandaan mo yan J
Goodluck future CPAs! Keep the faith! Don’t quit!! You can
do it J
Bonuses & Promotions at The Mohegan Sun Casino Site
ReplyDeleteA full suite of the most exciting promotions 인카지노 and promotions you'll find on any Mohegan Sun febcasino Casino 카지노 site, including a no deposit free bonus or a 50 Free Spins bonus,